Wednesday, February 11, 2009

Pagsusuri Sa nobela ni Jose Rizal

 

I Panimula

 

 

 

 

Si Jose Rizal ay matuturing ngang isang dakilang bayani dahil sa paggamit nya ng

angking abilidad upang tulungan at ilahad ang mga bagay-bagay na totoong nangyayari sa sarili niyang bansa. Kahit na nakataya ang buhay niya sa bawat letra na kanyang isulat ay hindi siya natakot at itinuloy pa rin niya ang kanyang layunin na ilahad ang pawang katotohanan lamang noong panahon ng Espanol. Ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo ay isang patunay ng malalalim na pagmamahal ni Jose Rizal para sa kanyang bayan na sinilanagan. Ang Noli Me Tangere ay una at  higit sa lahat ay isa sa mga kanyang nagawa. Inilalahad nang nobelang ito ang di makatarungang lipunan na kinabibilangan ni Crisostomo Ibarra, na isang simpleng tao at biktima rin nito. Ang sumunod namang nobela,ang El Filibusterismo ay tungkol naman sa  paghihiganti na ginawa ni Crisostomo Ibarra sa katauhan ni Simoun sa lipunan na kanyang ginagalawan.

Dahil na rin sa ibat-ibang mga elemento na nakapaloob sa mga nasabing mga nobela kaya naman patuloy itong binabasa kahit ilang taon na itong nailatahala. Ang dalawang nobelang  ito ay siyang ikinasanhi ng pagbukas ng mata ng maraming Pilipino sa mga nangyayari sa pilipinas noong panahon ng Espanol.  At sa tulong na rin ng mga nobelang kagaya nito kaya naman nagtulong-tulong ang lahat tungo sa kalayaan.

 

 

 

 

b. Paglalahad ng Suliranin

 

·         Ano ang ginamit na estilo ni Jose Rizal upang maipakita ang kahalagahan ng edukasyon?

·         Paano naipakita sa nobelang Noli Me Tangere ang pagkapananaw Romantisismo nito?

·         Paano nga ba naipakita ni Rizal ang Kaisahan ng  Noli Me Tangere sa El Filibusterismo?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

c. Layunin ng Pag-aaral

 

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay para malaman kung ano-ano ang estilo na ginamit

upang maipahayag ni Jose Rizal ang kahalagahan ng edukasyon sa ating mga sarili.

 

 

Layunin rin nitong maipakita at mapatunayan na may pagkapananaw Romantisismo ang mga nasabing nobela.

 

 

At higit sa lahat , layunin nitong maipakita ang kaisahan ng dalawang nobela- ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo.

 

 

 

 

 

 

 

d. Kahalagahan

 

 

 

·         Sarili

Tinutulungan  nito ang sarili upang mas magustuhan ang edukasyon at para na rin malaman ang kahalagahan nito sa bawat isa sa atin. Tinutulungan nito ang bawat isa na mas magpursige  at lalo pang galingan sa pag-aaral.

 

 

·         Mambabasa

Itong pag-aaral na ito ay nagbibigay kasagutan sa mga aspektong di medyo maintindihan ng isang mambabasa. Inilalahad nito ang mga batayan at mga elemento na nakapaloob dito upang madali nilang makita ito sa storya.

 

 

 

·         Lipunan

Itong pag-aaral na ito ay siya ring tutulong para maging bukas  ang isip ng bawat isa at maging aktibo sa lahat ng  mga bagay-bagay ukol sa ating lipunan.

 

 

 

II Pangalawang Bahagi

 

·         Ang kahalagahan ng Edukasyon sa nobela

 

Makikita sa istorya ang buhay ni Crisostomo Ibarra, isang edukadong tao na binibigyang ng respekto sa kanilang nayon. Dahil sa pagkaedukadong tao niya ay iniimbita at isinasama siya sa mga pista na kasama ang matataas na pinuno sa kanilanag lipunan. 

 

Dahil na rin sa pagkaedukado niyang tao ay nagging bukas ang kanyang isipan upang gawin ang nararapat at makaligtas sa bawat pagsubok na kanyang haharapin.

 

     Si Kapitan Tiyago ay isang edukadong tao kaya naman nagkaroon siya ng  

      mataas na katungkulan sa kanilang lipunan.

 

     Makikita rin sa nobela ang ganoon na lamang na dangal, katanyagan at 

      respektong natatangap ng mga edukadong tao noong panahon na iyon.

 

Makikita na nailagay ang kahalagahan ng edukasyon sa istorya sa pamamagitan

ng kanyang mga tauhan at ang mga nakpalibot dito.

 

 

 

 

 

·         Kaisahan ng Dalawang Nobela(Noli Me Tangere at El Filibustersimo)

 

Sa unanag nobela ang storya ay umiikot sa buhay ni Crisostomo Ibarra . Tinatalakay ng Noli Me Tangere ang pagkabigo, pagkagahaman ng lipunan, at pagkasawing palad ni Ibarra na gumawa ng pagbabago.

 

Sa pangalawang nobela nama’y sinusundan ang paghihiganti  ni Crisostomo Ibarra sa katauhan ng manalalakal na si Simoun sa lipunan na nakapalibot sa kanya.

 

Ang unang nobela ay tinutukoy ang lahat na nagging dahilan sa pagbagsak ni Ibarra. Tinutukoy din nito ang pagkasawing palad niya di lamang sa pagibig kung hindi sa pag-gawa na rin ng pagbabago sa kanyang lipunan. Sa unang nobela,  hindi nasagot ang tanong  na tumutukoy sa lipunan at mga bagay na nakpaloob dito.

 

Ang panagalawang nobela naman ay tumtukoy sa pagbabalik ni Ibarra bilang si Simoun. Tinutukoy nang nobelang ito ang mga hakbang na ginawa ni Simoun upang paghigantihan ang mga tao sa lipunan. Makikita din dito ang pagkabigo niya sa lahat ng kanyang mga balak. Sa pangalawang nobela nasagot ang tanong ukol sa nangyari sa mga taong kagaya ni Basilio, Ibarra, Maria Clara, Kapitan Tiyago at iba pa.

 

Makikitang nagkaisa ang dalawang nobela dahil sa ginawang pagsuporta sa isat-isa. Dinugtunan ang unang nobela upang masagot at bigyan ng linaw ang mga bagay-bagay na hindi nalinaw sa unang nobela.

 

e. Pagiging Romantisimo ng istorya.

 

Ang damdamin ni Ibarra kay Maria Clara ang nagging daan upang suwayin niya ang ibat-ibang tao sa istorya. Ito’y nagpapatunay lamang na pinagtuunan ni Ibarra ang kanyang damdamin kaysa sa kanyang pagiisip.

 

Ang mabuting plano ni Ibarra na hindi niya naisakapatuparan pagkat hindi niya naisip ang mga balakid na pwedeng humarang sa kanyang daanan ay nagpapatunay ng pagkaidealidad ni Ibarra sa istorya.

 

Dahil na rin sa pagiiral ng damdamin ni Ibarra huli na lang niya nalaman ang problema sa kanyang paligid. Ito’y nagpapatunay lamang na hindi,noong una, na isangkot si Ibarra sa problema  nasa paligid niya.

 

Ang katayuan ni Ibarra ang lalo  pang nagpalapit sa ugnayan at pagmamahalan nila ni Maria Clara. Ito’y nagpapatunay lamang ng lakas na salik ng Kapligiran sa istorya.

 

Ang mga sumunod pang mga pangyayari kina Maria Clara at Ibarra ang nagpataas pa lalo ng damdamin ng mambabasa. Patunay lamag ito na may kakaibang sensibilidad ang istorya at puno ng kakaibang damdamin.

 

Mababasa na medyo may pagkalabo ang deskripsyon sa bawat karakter sa istorya. Mababasa rin ang kalunos-lunos  na nangyari kay Ibarra at sa iba pang karakter sa istorya. Nagpapatunay lamang ito na Malabo, puno ng eksaherasyon at masalimuot ang  istorya.

 

Makikita rin ang  pagiging iba ng karakter ng Noli Me Tangere  sa iba pang mga nobela na inilathala ng mga ibat-ibang na nagawa. Makikita rin na binitin ang katapusan ng nobela at magkasama ang sining at ang kalikasan. Pinapatunayan lamang nito ang orihinal at kawalang hanggan ng storya.

 

Dahil sa mga ibedensyang ito masasabing ang storya ng nobelang Noli Me Tangere ay may pagkapananaw Romantisimo pagkat nasatispikta nito ang bawat kundisyon sa pananaw romantisismo.

2 comments:

  1. Sa artikulong ito, aking napagtanto na bukod sa kagustuhan ni Rizal na imulat ang mga mata ng mga pilipino sa mga nangyayari sa Pilipinas noong panahon ng Espanol ay mayroon pang ibang nakapaloob dito. Ang ilan sa mga ito ay kahalagahan ng edukasyon at pagiging romantisismo ng istorya. Tunay ngang napakagaling ni Rizal.

    Dustine Gomez
    Contributor, www.ourhappyschool.com

    ReplyDelete